Monday, July 28, 2008

my poem and songs (tagalog)

"Pagsisisi"
By: skyboy
Dedicated to: My X
I
sa paglipas ng ilang buwan
ikaw ay di ko parin makalimutan
ang mga panahon na tayo'y nagkasama
nakaukit parin sa aking alaala
ano man ang aking gawin
kahit pa ika'y limutin
o maghanap ng ibang iibigin
hindi parin magawa ng aking damdamin
II
nang magkahiwalay tayo
umiyak ka at umiyak ako
parang ayaw matanggap
na naglaho ang ating mga pangarap
sa ngayon may boyfriend ka na
at ako nananatiling mag-isa
ayoko lang kasing ika'y agawin
dahil ayokong manakit ng ibang damdamin
III
pinilit kong manahimik
ngunit pilit kang bumabalik
sa aking pagtulog ikaw ang panaginip
sa aking pag-gising ikaw ang naiisip
pero ngayon sa bandang huli
ako itong puno ng pagsisisi
iisa lang ang tangi kong dalangin
sana hindi ka niya paluluhain

"Ipagpatawad Mo"
I
ipagpatawad mo na lang
alam kong ako ang may kasalanan
ikay hinayaan
ako itong biglang lumisan
ako sayo'y walang silbi
minsan lang kita napangiti
at papa'no naman kaya babawi
sa aking pagkakamali
Cho.
ipagpatawad mo na lang ang puso ko
alam kong nasaktan ko ang puso mo
pero nais ko lang sana na malaman mo
na nangyari ang lahat ng ito
dahil sa kamamahal ko sa iyo
II
ipagpatawad mo na lang
alam kong ako ang may pagkukulang
ika'y pinabayaan
kunin ng iba sa aking harapan
wala akong ibang ginawa
kundi kayo ay pagmasdan
at bakit pa kailangang pigilan
alam kong kayo'y nagmamahalan
(repeat cho. 2x)

"Sana'y Patawarin"
I
lagi na lang nangangarap
kailan pa ba kita
makikita't makaharap
gustung-gusto ko ng ika'y yakapin
kaya niyayakap na lang ang hangin
Ref.
iniisip na andito ka parin
at nagdarasal na sana'y patawarin
Cho.
sana'y patawarin mo na
kung saka-sakaling nasaktan kita
hindi ko sinasadya
hindi ko alam na mali ang nagawa
sana naman iyong maintindihan
at patawarin na sa nagawang kasalanan
II
lagi na lang natutula
kailan pa ba kita
makakausap at makasama
gustung-gusto ko ng ika'y kausapin
kaya sinasanay na lang sa salamin
(repeat ref. then cho.)
"Kapit Kamay"
I
sinong nagsabi sa iyo
na lilisan ako
at iiwan kita
aalis ng di kita kasama
huwag kang maniwala
niloloko ka lamang nila
Cho.
mahal ko ba't ako'y iniwan mo
dibat sabi mo isasama mo ako
sabi mo magkasama tayo
hindi magkakahiwalay
tayong dalawa'y kapit kamay
II
sana ay sinabi mo
na iiwanan mo ako
at lilisanin ang mundo
aalis ng di mo ako kasama
hinintay mo sana
nang magkasama tayong dalawa
(repeat cho. twice)

my songs (tagalog love songs)

"Ako'y Susuko Na" by: skyboy
dedicated to: My X
I
patingin-tingin bakit di maamin
na ang puso ko'y may pagtingin
'wag ka sanang magtaka
'wag ka sanang mangamba
'pagkat ako'y nagmamahal lamang sinta
Cho.
dibat lahat ng tao sa mundo
nagmamahal din tulad ko
pero ewan ko ba
kung pag-ibig pa ba
itong aking nadarama
tela ako'y susuko na
II
padaan-daan bakit di mapatunayan
na ang puso ko'y nasasaktan
huwag ka sanang magtaka
huwag ka sanang mangamba
pagkat ako'y aalis na muna
(repeat cho. twice)

"Bakit Ikaw"
I
lagi kong naaalala
mga sandali na tayo ay magkasama
bakit di ko magawa
ang kalimutan ka
ano bang meron ka
bakit di ko kaya
Ref.
natapos na ang lahat sa atin
pero bakit hanggang ngayon
sa puso ko'y ikaw parin
ang tanong ko'y bakit ikaw?
Cho.
bakit ikaw ang nasa isip?
bakit ang sigaw ng puso ko?
bakit ikaw ang panaginip ko?
bakit ikaw ay di ko makalimutan?
bakit ikaw ang tanging naiwan?
bakit sino kaba?
ba't sa puso ko'y di ka mabura?
bakit ikaw ang lahat-lahat sa akin?
ang tanong ko'y bakit ikaw?
II
lagi kong nakikita
mga larawan na
tayo ay walang kasing saya
bakit 'di ko magawa
ang itapon ang mga ito
ano bang meron saiyong mga letrato
(repeat ref. then cho. twice)

"Ikaw lamang"
I
umalis na siya
iniwan ka na
humanap ka na lang ng iba
nandito lang naman ako
naghihintay lamang sayo 2x
Cho.
'pagkat ikaw lamang ang tanging mahal ko
ikaw lamang ang buhay ko
ikaw lamang ang tanging sasambahin
ikaw lamang ang tanging mamahalin
ikaw lamang....
II
umalis na siya
naghanap na ng iba
ba't di mo na lang gayahin siya
nandito lang naman ako
nagmamahal lamang sayo 2x
(repeat cho. 2x)

who wants to buy a songs? tagalog love songs.....my own compositions....

"Sinayang ang Pag-ibig Ko"
By: skyboy
I
wala na ang dating pagsasamahan
nang ika'y lumisan ako'y iniwan
puso ko'y nasaktan,puso ko'y nasugatan
nang mawala ang pagmamahalan
Ref.
sinaktan ng husto ang puso kong ito
bakit sinayang mo
alam mo namang tapat ako sa iyo
Cho.
sinayang ang pag-big ko
baliw na baliw pa naman sana sa iyo
bakit napaka sakit
pag-ibig ko'y bigla mo lang ipinagpalit
sana malaman mo
mahal kita at 'yon ay totoo
at sana rin magbago ang iyong damdamin
at matutunan mo na akong mahalin.
II
wala na ang dating pagmamahalan
nang ika'y magbago
sa akin ay lumayo
ako'y nilisan at iniwanan
nang di ko alam ang dahilan
(repeat ref. then cho.)
"Your New Superhero"
Dedicated to: Sairah Mae Besinan
I
bakit ka ba umiiyak
may nanakit ba sa'yo
pwed bang malaman ko
sige kung ayaw mo
huhulaan ko na lang ito
Ref.
unang pumasok sa isip ko
ay ang pangalan ng nobyo mo
ang nobyo mong napakatanga
ikaw na nga'y napakaganda
bakit humanap pa ng iba
Cho.
kung kailangan mo ako
tawagin mo lang pangalan ko
agad akong nasa tabi mo
cause i'm your new superhero
II
bakit ka ba nalulungkot
may nang-iwan ba sa iyo
pwed bang malaman ko
sige kung ayaw mo
maghihintay na lang ako
(repeat ref. then cho.)

"Hanggang pagkakaibigan
na lang ba tayo?"
dedicated to:Sairah Mae Besinan
I
bakit di ko kayang aminin sayo
ang tinitibok nitong puso ko
sana,sana ay maamin ko sayo
ang tunay na nadarama nitong puso ko
Ref.
inisip ko na noong una pa
kung tama ba na mahalin kita
alam ko na masisira lang
ang tiwala sa isa't-isa
Cho.
hanggang pagtingin
na lang ba ang tulad ko
hanggang pagkakaibigan
na lang ba tayo
masakit man tanggapin
na hindi tayo para sa isa't-isa
pero tatanggapin ko ito
nang maluwag sa puso ko
II
bakit di ko kayang sabihin sayo
ang sinisigaw ng puso ko
sana,sana ay masabi ko sayo
ang tunay na bulong nitong puso ko
(repeat ref. then cho.)

"Ikaw ang Pangarap Ko"
dedicated to: Sairah Mae besinan
I
paano ko kaya sasabihin
na ikaw ang laman ng damdamin
kung lagi mo akong iniiwasan
hindi mo man lang mapagbigyan
ang aking mga kahilingan
Cho.
na sana'y makasama ka
na sana'y makausap ka
na sana'y magkatabi tayong dalawa
kahit minsan lang Ms.Sairah
sana'y malaman mo
na ikaw ang pangarap ko
dito sa buong mundo
walang hihigit sayo
II
paano ko kaya aaminin
ang tunay na sigaw ng damdamin
kung walng pagkakataon
nasa iba ang iyong atensyon
sanay bigyan mo rin ako ng panahon
(repeat cho. twice)