"Pagsisisi"
By: skyboy
Dedicated to: My X
I
sa paglipas ng ilang buwan
ikaw ay di ko parin makalimutan
ang mga panahon na tayo'y nagkasama
nakaukit parin sa aking alaala
ano man ang aking gawin
kahit pa ika'y limutin
o maghanap ng ibang iibigin
hindi parin magawa ng aking damdamin
II
nang magkahiwalay tayo
umiyak ka at umiyak ako
parang ayaw matanggap
na naglaho ang ating mga pangarap
sa ngayon may boyfriend ka na
at ako nananatiling mag-isa
ayoko lang kasing ika'y agawin
dahil ayokong manakit ng ibang damdamin
III
pinilit kong manahimik
ngunit pilit kang bumabalik
sa aking pagtulog ikaw ang panaginip
sa aking pag-gising ikaw ang naiisip
pero ngayon sa bandang huli
ako itong puno ng pagsisisi
iisa lang ang tangi kong dalangin
sana hindi ka niya paluluhain
"Ipagpatawad Mo"
I
ipagpatawad mo na lang
alam kong ako ang may kasalanan
ikay hinayaan
ako itong biglang lumisan
ako sayo'y walang silbi
minsan lang kita napangiti
at papa'no naman kaya babawi
sa aking pagkakamali
Cho.
ipagpatawad mo na lang ang puso ko
alam kong nasaktan ko ang puso mo
pero nais ko lang sana na malaman mo
na nangyari ang lahat ng ito
dahil sa kamamahal ko sa iyo
II
ipagpatawad mo na lang
alam kong ako ang may pagkukulang
ika'y pinabayaan
kunin ng iba sa aking harapan
wala akong ibang ginawa
kundi kayo ay pagmasdan
at bakit pa kailangang pigilan
alam kong kayo'y nagmamahalan
(repeat cho. 2x)
"Sana'y Patawarin"
I
lagi na lang nangangarap
kailan pa ba kita
makikita't makaharap
gustung-gusto ko ng ika'y yakapin
kaya niyayakap na lang ang hangin
Ref.
iniisip na andito ka parin
at nagdarasal na sana'y patawarin
Cho.
sana'y patawarin mo na
kung saka-sakaling nasaktan kita
hindi ko sinasadya
hindi ko alam na mali ang nagawa
sana naman iyong maintindihan
at patawarin na sa nagawang kasalanan
II
lagi na lang natutula
kailan pa ba kita
makakausap at makasama
gustung-gusto ko ng ika'y kausapin
kaya sinasanay na lang sa salamin
(repeat ref. then cho.)
"Kapit Kamay"
I
sinong nagsabi sa iyo
na lilisan ako
at iiwan kita
aalis ng di kita kasama
huwag kang maniwala
niloloko ka lamang nila
Cho.
mahal ko ba't ako'y iniwan mo
dibat sabi mo isasama mo ako
sabi mo magkasama tayo
hindi magkakahiwalay
tayong dalawa'y kapit kamay
II
sana ay sinabi mo
na iiwanan mo ako
at lilisanin ang mundo
aalis ng di mo ako kasama
hinintay mo sana
nang magkasama tayong dalawa
(repeat cho. twice)
No comments:
Post a Comment